tearjerky: home - logs - musings - scraps

tearjerky's little desk

fiyo

24

(+63)

will peel an orange for you



hold out your hand: reach out to me
sentient since: 02/06/2025
Friday, June 13, 2025
Today's Musings

I've been trying to put in more effort into showing up lately.

I isolated myself from everyone for over a year. Only active online. Basically unreachable everywhere else. I tried to convince myself that I was still a good friend despite it all, you know? I kept telling myself that I didn't have to prove my love to people.

I tell them I love them a lot. That should be enough for them. They should just accept whatever crumbs I'm able to throw at them. That's what I drilled into my head to combat the guilt that was gnawing at me. As if the people in my life didn't deserve more. As if they weren't allowed to demand the love that they needed. I was so consumed by my own depression that I just became so selfish. I didn't take care of my relationships enough because I didn't have the energy to deal with anything that I saw as inconvenient, and that led to me spiraling and not knowing how to pull myself the fuck out of the hell I put myself in.

Aminado naman akong naging makasarili ako, 'di naman gano'n kapurol ang emotional intelligence ko, 'no. Ata. Kaya nga bumabawi ako ngayon kasi gusto kong iparamdam sa mga taong nagmamahal sa'kin na mahal ko rin sila. Gusto kong suklian 'yung pagmamahal nilang sobrang mapagpatawad at maintindihin--tipong hindi nila minasama kahit kailan 'yung madalas (palagi) kong pagtanggi sa mga aya nilang makipagkita. Ganu'n nila ako mahalin, at sa gano'ng paraan ko rin sana gustong ipakita pagmamahal ko sa kanila. Kasi wala ako kung wala sila, eh. Korni man pakinggan.

Palaging reklamo sa'kin ng mga tao na hindi ko hinahayaan sarili ko na umasa sa kanila. Hindi naman daw ako si Hesukristo para bitbitin itong bigat, itong Krus mag-isa. Ika nga ni Andy, magpamahal naman sana ako. Dapat nga sigurong tigilan ko na ang fantasy kong magpaka-Florence Nightingale na gustong alagaan ang lahat pero hindi hinahayaang maalagaan pabalik. Pero sinusubukan ko naman kasi talaga, 'no! Peksman. Hindi naman ako santo.

Sana ramdam ng mga tao na sinusubukan ko naman talagang magpakita ng pagmamahal, pero sa paraang kaya ko. Sa paraan kung paano rin nila ako mahalin. 'Yung tipong hindi maingay o maapoy, pero mainit pa rin. 'Yung pagmamahal na pipisil-pisilin kamay mo tuwing kinakabahan ka. 'Yung pagmamahal na ipagtitimpla ka ng kape sa umaga. Na ihahatid ka pauwi para siguraduhing ligtas ka. Na ipag-iinit ka ng tubig panligo. Na ipagbabalat ka ng prutas. Na ipagluluto ka ng pancit canton sa madaling araw. Na ipagsusuklay ka ng buhok. Na ipagbibili ka ng lugaw at gamot 'pag may sakit ka. Na pakikinggan mga reklamo mo kahit paulit-ulit. Na kikitain ka tuwing vacant para ayain kang kumain (o humipak). Na ipagbibili ka ng kare-kare sa Cel's, o sinigang sa Sweet Keish, o red velvet crinkles at lemon bars sa Micha's, o salted egg chicken sa Parteey's, o kape sa He-Brews. Na aalahaning gisingin ka para sa 7 am class mo. 'Yung pagmamahal na pipiliting bumangon araw-araw para lang makita ka.